Saturday, August 28, 2004

bibitaw na ako...

siguro sa pag-ibig.

sa araw-araw na dumadaan, parang lumalabo nang lumalabo ang lahat. ewan ko. minsan, pilit kang nagpapapansin...magdidisconnect siya. minsan naman, malambing. pero madalas hindi kami nagkikita. ewan ko. parang halong takot at kaba. takot na baka mali ang mga desisyon ko. takot na baka masaktan na naman ako. takot na..magkamali. kaba na kung ipagpatuloy ko to, baka masira ang pagkakaibigan. kabang pagkumapit pa ako e lumutang ako ng husto sa mga ulap tapos masakit yung bagsak. ayoko noong ganoon.

mahina ang loob ko. o naging nag-iingat na lang siguro ako. ive been hurt many times before. sana bigyan ako ni Lord ng senyales kung tama nga ba to.

mahirap. pero, tao lang ako. nahuhulog pa rin.


1 Comments:

Blogger Desiree said...

Oo nga, tao lang. Nagkakamali. Ngunit nagiging tao tayo hindi dahil sa pagkakamali, hindi dahil sa pagkakadapa, ngunit sa pagwawasto ng mga maling ito, at sa pagtayo sa pagkakadapa.

8:48 PM  

Post a Comment

<< Home